Tuesday, August 18, 2026

DPWH, tanggap ang inaaning batikos mula sa publiko sa gitna ng malawakang pagbaha

Tanggap ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang batikos ng publiko sa gitna ng malawakang pagbaha sa maraming lugar.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na tama lamang na batikusin ang ahensya dahil napakarami pa nilang problemang kailangang ayusin.

Ilang dekada na aniyang naiipon at nagkapatong-patong ang mga problema sa flood control at iba pang imprastraktura.

Giit niya, hindi ito malulutas sa isang iglap kaya kailangan aniyang isa-isahin ang mga problema at tuloy-tuloy na trabaho ang kailangan para matugunan ang mga ito.

Gayunman, naniniwala siyang makikita ang resulta kapag maayos ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto.

Facebook Comments