Friday, August 21, 2026

Lalaking nagbebenta ng pekeng passport driver’s license, arestado sa Sta. Cruz, Manila

Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang lalaki sa isinagawang operasyon sa Sta. Cruz, Manila gabi ng August 19.

Nag-ugat ang nasabing operasyon matapos ang viral na YouTube video post na may title na “I Bought a Fake Passport in the Philippines for $150” kung saan pinapakita nito ang mabilis na pagkuha ng ilegal na dokumento sa nasabing lugar.

Dahil dito, nagsagawa ng validation at surveillance operations ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakakilanlan ng suspek at pagtunton kung saan nya ito isinasagawa.

Sa ulat ng pulisya, napag-alaman na nasa P3,500 ang presyo ng isang ilegal na Philippine Passport at P1,200 naman ang pekeng driver’s license.

Narekober sa nasabing operasyon ang iba’t ibang manufacturing tools at tapos nang mga dokumento kabilang na ang mga passport, driver’s license, National Bureau of Investigation (NBI) clearance, at iba’t iba pang mga pekeng government document.

Dahil dito, nahaharap ang nasabing suspek sa National Prosecution Service (NPS) para sa paglabag sa RA. 11983 at Article 172 o ang Falsification of Public, Official, or Commercial Documents by Private Individuals in relation sa Article 171 ng Revised Penal Code.

Facebook Comments