Aktor na si Marvin Agustin, nangangamba para sa kanyang kalusugan

Nakakaranas daw ng pangamba ngayon ang aktor at businessman na si Marvin Agustin para sa kanyang kalusugan.

Dahil ito sa nararamdaman daw niyang kagaya ng sintomas ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa tweet ni Marvin, ibinahagi niya ang kanyang mga kuha sa mga temperature kung saan nagka-lagnat daw siya at umabot pa sa 39.2 degrees ang kanyang pinaka-mataas na temperatura.


Pero hindi daw siya magpapa-test dahil batid niyang limitado pa rin ang testing kits sa mga ospital sa bansa.

Kasunod nito ay hindi na rin umano lumalapit ang aktor sa kanyang ina na sumasailalim sa chemo therapy dahil sa karamdaman nito.

Facebook Comments