Tuesday, April 28, 2026

Pananatiling malaya ni Zaldy Co, nakakadismaya —Rep. De Lima

Matindi ngayon ang pagkadismaya ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima na malaya uli si dating Congressman Zaldy Co at walang nagawa ang gobyerno para makuha ang kostudiya nito.

Ayon kay De Lima, dagdag pang nakakadismaya na hindi makapagbigay ang pamahalaan ng malinaw na sagot sa kung ano ang talagang nangyari at kung paano matitiyak ang pag-aresto kay Co.

Palaisipan kay De Lima kung dahil lang ito sa confidentiality ng mga impormasyon, o sadyang may ayaw lang sagutin?

Diin ni De Lima, kung ganito ang mangyayari ay lalong magdududa ang marami sa kakayahan at sinseridad ng gobyerno na hulihin ang mga pugante sa ating batas.

Facebook Comments