
Umabot na sa 70,150 ang kabuuang bilang ng pamilya o 286,939 indibidwal ang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, 12 evacuation centers na ang pansamantalang tinutuluyan ng 1,132 pamilya o 4,106 indibidwal na apektado ng nasabing sakuna, habang 26 pamilya o 85 indibidwal naman ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kakilala o kaanak na hindi naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkan.
Nakapaghatid na rin umano ang DSWD ng 100,257 Family Food Packs, 1,402 ready-to-eat foods, at 7,634 non-food items sa nasabing mga biktima, habang umabot na rin sa mahigit 56-M ang kabuuang financial assistance na naibahagi ng DSWD sa ilalim ng mga programang Assistance to Individual in Crises Situation, Emergency Cash Transfer, at Cash for Work.
Sa ngayon, may naka standby na mahagit 1-B pondo ang DSWD sa buong bansa kung sakaling magpatuloy ang nasabing sakuna.
Dagdag pa rito, mariin ding iginiit ni DSWD Assitant Secretary and Spokesperson Irene Dumlao na handa ang DSWD na tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente sakaling tumagal ang nasabing sakuna katuwang ang mga local government unit (LGU), lalo’t may 4.6-M family food packs na nakapreposisyon ang DSWD sa iba’t ibang lugar sa bansa.










