
Tinuligsa ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at tiniyak na hindi siya lalahok at boboto sa oras na ito ay mapresenta sa plenaryo.
Giit ni Erice, ito ay pamumulitika lamang at hindi pagsusulong ng pananagutan kung saan ginagamit ang resources at iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan para wasakin ang kalaban sa pulitika.
Hindi rin bumilib si Erice kay Ramil Madriaga at sa mga alegasyon nito laban kay VP Duterte.
Bunsod nito ay nananawagan si Erice sa mamamayang Pilipino na huwag magpapauto dahil ang bayan ang magiging talunan anuman ang maging resulta ng impeachment proceedings laban kay VP Sara.
Facebook Comments










