Pinalawak ang kakayahan ng mga miyembro ng DelMar ShellCraft Multi-Purpose Cooperative (MPC) hindi lamang sa pagproseso ng virgin coconut oil (VCO) at coconut flour kundi maging sa aktuwal na pagnenegosyo matapos silang sumailalim sa limang araw na masinsinang pagsasanay sa Pagudpud, Ilocos Norte.
Umabot sa 27 miyembro ng kooperatiba ang lumahok sa Phase III Training of Shared Processing Facility (SPF) na isinagawa mula June 1 hanggang 5 sa isang Farm sa Barangay Caparispisan.
Sa pangunguna ng Agricultural Training Institute–Regional Training Center I (ATI-RTC I), katuwang ang Philippine Coconut Authority (PCA) Regions I, II at CAR at Department of Trade and Industry (DTI)-Ilocos Norte, tinutukan ng pagsasanay ang mga mahahalagang aspeto ng negosyo tulad ng product labeling, branding, marketing, at wastong record keeping.

Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang market simulation activity at Business Enterprise Simulation (BES) Games kung saan naranasan ng mga kalahok ang mga sitwasyong karaniwang kinakaharap sa tunay na merkado. Layunin nitong ihanda ang mga benepisyaryo sa mas epektibong pagbebenta at pagpapalago ng kanilang mga produktong mula sa niyog.
Nagbahagi rin ng kaalaman at praktikal na karanasan ang mga resource speakers mula sa DTI-Ilocos Norte upang higit na mapalakas ang kakayahan ng mga kalahok sa pamamahala ng kanilang negosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments