Kilo-kilong hinihinalang shabu, nasabat sa Matnog Port

44

Manila, Philippines – Kilo-kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng aabot sa 50 milyong piso ang nasabat sa isang kotse sa Matnog Port.

Ayon sa PNP Sorsogon – naghinala ang ilang biyahero na may lamang bomba ang nakahintong sasakyan na biyaheng Samar kayat kaagad nagsumbong sa mga awtoridad.

Nagulat na lamang ang mga rumespondeng awtoridad na sa halip na bomba, bulto-bultong hinihinalang shabu o nasa halos sampung (10) kilo ang tumambad sa kanila.

Tini-trace na ng pnp sa tulong ng LTFRB kung sino ang may-ari ng nasabing sasakyan.
Nation”

Facebook Comments