Alden Richards, wagi bilang “Pinakapasadong Aktor” sa 22nd Gawad Pasado Award

63

Hinirang bilang “Pinakapasadong Aktor” si Asian Multimedia Star Alden Richards sa 22nd Gawad Pasado (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro).

Ito ay dahil sa outstanding performance ng aktor sa pinagbidahan nitong pelikula noong nakaraang taon kasama si Kathryn Bernardo.

Nagpasalamat ang aktor sa Gawad Pasado sa natanggap niyang pagkilala pati na rin sa mga nakasama niya sa pelikula at sa mga taong bumoto sa kaniya.

COURTESY: PASADO (PELIKULANG SAMAHAN NG MGA DALUBGURO) FB

“Isang malaking karangalan po na makatanggap mula po sa inyong samahan. Sa uulitin po ulit. Thank you for this award.” ani Richards.

Sa ngayon, busy pa rin ang aktor sa kaniyang mga shows pati na rin sa paparating niyang 10th anniversary concert.

Facebook Comments