
Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. walang kinalaman ang gobyerno sa nangyaring kaguluhan sa Senate Complex, sa Pasay City.
Ayon sa pangulo, wala siyang ibinigay na utos para pasukin ng sinumang uniformed personnel ang Senado.
Ang mga naka-uniporme aniya sa loob ng Senado ay mga regular na naka-duty lamang para sa seguridad ng gusali at honor guard, habang ang ibang armadong tauhan ay mula sa Sergeant-at-Arms.
Wala rin aniyang utos ang pangulo na arestusin si Senador Ronald Bato dela Rosa.
Kaugnay nito, magsasagawa ng joint investigation ang Senado at ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng nangyaring pamamaril sa loob ng Senado.
Facebook Comments










