Monday, May 11, 2026

79 OFWs na nakulong sa Myanmar, nabigyan ng amnestiya kasabay ng selebrasyon ng Myanmar New Year

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng amnestiya sa 79 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakulong sa Myanmar.

Kasabay ito ng selebrasyon ng Myanmar New Year o ng Thingyan.

Ang naturang mga Pinoy ay unang nakulong sa Hpa-An Detention Center sa Kayin State.

Agad naman silang napauwi ng Pilipinas sa pamamagitan ng dalawang batch.

Ayon sa DFA, kasama rin sa napauwi ng bansa ang isang Pinoy na biktima ng human trafficking victim (HTV) mula Tachileik, Myanmar.

Nagpaalala naman ang DFA sa mga Pilipino na mahigpit na sumunod sa legal deployment procedures ng Department of Migrant Workers (DMW) kung nais nilang magtrabaho sa abroad.

Facebook Comments