
Nananawagan si FPJ Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang panukalang Biofuels Act at Waste to Energy Act.
Diin ni Poe, mahalaga ang nabanggit na mga panukalang batas para maihanda ang Pilipinas sa mga darating pang problema sa enerhiya o sa suplay at presyo ng langis.
Ayon kay Poe ang biofuels at basura ay parehong source ng enerhiya na tiyak pakikinabangan ng ating bansa.
Binanggit ni Poe na ngayong umiiral ang state of national energy emergency ay mainam na maisabatas ang nabanggit na panukala na makakatulong sa ating bansa sa mga sitwasyon na katulad ng nararanasahan ngayon na pandaigdigang krisis sa langis.
Facebook Comments










