Handa na ang libo-libong mga estudyante sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Pangasinan para sa opisyal na pagbubukas ng klase ngayong araw, June 8, 2026 para sa School Year 2026-2027.
Maaga pa lamang ay nagsagawa na ng paghahanda ang Department of Education katuwang ang mga lokal na pamahalaan, mga guro, magulang, at volunteers sa ilalim ng Ligtas Eskwela activities upang matiyak ang malinis, maayos, at ligtas na mga paaralan para sa pagbabalik ng mga mag-aaral.
Inaasahan naman ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan partikular sa mga school zones sa Dagupan City, Urdaneta City, Mangaldan, Calasiao, at iba pang matataong lugar sa lalawigan dahil sa dagsa ng mga estudyante at magulang.
Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga motorista na magdoble-ingat lalo na sa mga pedestrian lanes at school crossings habang pinaigting din ng Philippine National Police at traffic personnel ang kanilang deployment para sa seguridad ng mga estudyante.
Samantala, tiniyak ng DepEd Pangasinan na nakahanda ang mga pampublikong paaralan para sa unang araw ng klase kabilang ang sapat na silid-aralan, learning materials, at school personnel.
Patuloy rin ang panawagan sa mga magulang na tiyaking may sapat na gamit, pagkain, at proteksyon laban sa init at tag-ulan na panahon ang kanilang mga anak ngayong balik-eskwela season. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








