
Nakapag-comply na ang lahat ng ipina-subpoena ng Senate impeachment court para sa tax at bank records ni Vice President Sara Duterte, ng kaniyang asawa si Atty. Mans Carpio, at ng 19 na corporate entities at isang law firm.
Ayon kay Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, naisumite na kay Impeachment Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., ng mga dokumento ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at mga pribadong bangko kabilang ang:
1. BDO Unibank
2. Philippine Savings Bank
3. Metrobank
4. LANDBANK
5. Security Bank
6. Bank of the Philippine Islands (BPI)
Sinabi naman ni Bantug, ilan din sa mga bangko ang humiling ng dagdag na araw para makapagsumite ng karagdagang dokumento.
Kasama naman sa submission ng BIR sa tax records ni VP Sara ang authorization mula sa presidente.
Hindi pa pwedeng buksan ang mga dokumento dahil kailangan pa munang bigyan ng kopya ang prosekusyon at depensa at maghihintay pa ng susunod na utos mula sa impeachment court.










