Tuesday, August 4, 2026

Mga opisyal ng OVP at DepEd na nakipagpulong sa COA patungkol sa requirements ng confidential funds, makapal ang mukha —House Prosecutor Ridon

Tahasang sinabi ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na makapal ang mukha ng mga opisyal ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na nakipagpulong sa iba pang opisyal ng Commission on Audit (COA) patungkol sa requirements ng confidential funds.

Pahayag ito ni Ridon kasunod ng testimonya ni COA auditor Roderick Wamil sa impeachment trial na noong September 2023 ay nakipagpulong sa kanila sina OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez at dating DepEd chief of staff at Spokesperson Atty. Michael Poa.

Kanilang hiniling na sakaling magkaroon ng findings sa paggastos ng confidential funds ay isyuhan na lang sila ng audit query sa halip na audit observation memorandum o AOM.

Giit ni Ridon, wala sa lugar para magkaroon ng pagpupulong at makiusap sa COA ang mga opisyal ng OVP at DEPED.

Malinaw para kay Ridon na ang nabanggit na pulong ay tangkang pag-impluwensya sa COA kaya hindi ito dapat isingawa.

Facebook Comments