
Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng umano’y iligal na sigarilyo sa San Isidro, Davao Oriental.
Nakumpiska sa kanila ang 59 na master cases ng umano’y iligal na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱3.8 million.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga nasabing narekober na sigarilyo ay walang Graphic Health Warnings at BIR Excise Tax Stamps.
Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10643 o Graphic Health Warnings Law at Republic Act No. 8424 o National Internal Revenue Code of 1997 ang mga nasabing naarestong indibidwal.
Facebook Comments










