
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglabas ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa tax records ni Vice President Sara Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio kasama ang mga korporasyon na may koneksyon sa kanila.
Ayon kay House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang naturang mga dokumento mula sa BIR ay isi-isa ng isinusumite ngayong araw sa Senate Impeachment Court.
Binanggit ni Ridon, na ang BIR mismo ang humingi ng approval kay Pangulong Marcos Jr. matapos ipa-subpoena ng Senate Impeachment Court ang tax at bank records ni VP Sara at mister.
Sabi ni Ridon, ang prosekusyon at depensa ay parehong mabibigyan ng kopya ng nabanggit na mga dokumento kasama ang report mula sa Anti Money Laundering Council (AMLC).










