Tuesday, August 4, 2026

Mag-ina pinagbabaril sa Makati City

Kinumpirma ng Southern Police District (SPD) ang nangyaring shooting incident pasado 6:46 kahapon ng gabi sa kahabaan ng Makati Avenue corner Durban Street, Barangay Poblacion.

Ayon sa ulat ng pulisya, napag-alaman na mag-ina ang dalawang biktima kung saan ang 26 na taong gulang na anak ay nagtamo ng sugat mula sa baril at kasalukuyang naka-confine sa ospital.

Habang ang ina nito na 63 years old ay dineklara namang dead on arrival.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binaril ang mga biktima ng isang hindi pa nakikilalang suspek na may suot na puting shirt, maong na shorts at puting sapatos na agad ding tumakas pagkatapos gawin ang krimen.

Nagsasagawa naman na ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad para matukoy ang motibo ng suspek sa nasabing insidente.

Kasama sa isinasagawa ng otoridad ang pag-backtracking at forward tracking sa mga CCTV footages.

Facebook Comments