
Ikinalugod ng House Prosecution Panel ang pagbasura ng Supreme Court sa petisyon ni Vice President Sara Duterte laban sa impeachment proceedings na isinagawa ng House Committee on Justice.
Diin ni House Prosecutor at Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima, malinaw sa desisyon ng Korte Suprema na tapos na ang proseso sa Kamara na piniling hindi harapin ni VP Sara at ngayon ay na Senado na ang laban para sa katotohanan at pananagutan.
Ayon kay De Lima, wala nang duda o balakid para paulit-ulit na pigilan o takasan ang impeachment.
Tinukoy ni Cendaña ang isyu ng maling paggamit ni VP Duterte sa milyones na confidential funds kung saan isa sa lumutang na nakinabang ang pangalang “Mary Grace Piattos” at ang paggastos ng Office of the Vice President (OVP) sa 125 million pesos na confidential funds sa loob lang ng 11 araw.
Binanggit din ni Cendaña ang bilyun-bilyong pisong nina VP Sara at mister na si Atty Mans Carpio batay sa record ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).










