Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Tayug ng Cough Caravan gamit ang Mobile Clinic, katuwang ang ilang pribadong medical organizations, na naghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga residente.
Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang X-ray, laboratory tests, ultrasound, at konsultasyon sa doktor para sa mga dumalo na may ubo at iba pang karamdaman.
Bukod sa medical services, nagsagawa rin ng information drive ang Department of Health (DOH) katuwang ang Barangay Health Workers (BHW).
Sinabi ang tungkol sa mga paraan ng pag-iwas sa sakit at tamang pangangalaga sa kalusugan ngayong panahon ng mainit na klima.
Ayon sa Lokal na pamahalaan, ang naturang mobile clinic ay bahagi ng hakbang sa paghatid ng basic at diagnostic health services sa mga residente sa kanilang mga barangay, lalo na sa mga lugar na malayo sa ospital. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










