
Pormal na humiling ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ng precautionary hold departure order (HDO) laban kay Martin Romualdez.
Ayon sa Ombudsman, inihain ang kahilingan habang nakabinbin ang mga kasong iniimbestigahan laban sa dating house speaker.
Binigyang diin ni Assistant Ombudsman Clavano na mahalaga ang hakbang upang matiyak na hindi maaapektuhan ang takbo ng imbestigasyon at maiwasan ang anumang tangkang pag-iwas sa proseso ng batas.
Iginiit din ng tanggapan na layon nitong masiguro na hindi makalalabas ng bansa ang respondent habang isinasagawa pa ang masusing pagsusuri sa mga isinampang reklamo.
Nauna nang inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi pinayagan ang hiling ni Romualdez na bumiyahe patungong Singapore para sa pagpapagamot.
Ang precautionary HDO ay isang legal na remedyo na nagbabawal sa isang inaakusahan na makalabas ng bansa habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon.










