
Pinalakas ng Mangatarem Municipal Police Station (MPS) ang kanilang hakbang para sa seguridad at kaayusan sa bayan sa pamamagitan ng serye ng visitation, inspection, at foot patrol operations.
Nagsasagawa ang mga pulis ng inspeksyon sa iba’t ibang financial institutions at business establishments sa kanilang area of responsibility.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng foot patrol ang mga tauhan ng Mangatarem MPS sa iba’t ibang bahagi ng komunidad. Layunin nitong pigilan ang kriminalidad, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at mapataas ang police visibility sa lugar.
Ipinahayag ng Mangatarem PNP na ang mga hakbang na ito ay bahagi ng kanilang patuloy na pangako na maghatid ng isang ligtas, maayos, at mapayapang komunidad para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










