Naging matagumpay kahapon ang ginanap na City Peace and Order Council meeting sa Southseas Convention hall nasa unang pagkakataon ay dinaluhan ng apat na generals ni 6th Infantry Kampilan Division Commander Maj.Gen.Cirilito Sobejana, PRO-12 Dir.PC/Supt.Marcelo Morales, 603rd Brigade Commander Brig.Jesus Sarsagat at 601st Brigade Commander Brig.Gen.Diosdado Carreon at ni 1st Mechanized deputy Commander Col.Baluyot, 602nd Brigade Commander Col.Alfredo Rosario at Task Force Cotabato commander Col.Mamawag. Naroon din ang presensya ni Col.Allan James Logan ng CIDG-ARMM, PDEA-ARMM Deputy Director Marlon Santos, 16TH Sangguniang Panglungsod na pinangunahan ni Vice Mayor Graham Nazer Dumama at mga barangay captain at iba pa. Sinabi ni Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi, na malaki na ang pinagbago ng lungsod pagdating sa Peace and Order kung saan number 1 ang cotabato city sa safest city sa Mindanao at pangalawa sa buong bansa. Bumaba din ng malaking porsento ang crime rate sa nakalipas na pitong buwan sa 2018 sa lungsod. Gayundin sa larangan ng ekonomiya ay umusbong ang maraming negosyo at nagsulputan ang mga malls at mga bagong itinatayong establishemento.Kayat siyay umaapela sa lahat ng cotabatenyo na suportahan siya sa kanyang mga programa dahil posibleng maging highly urbanized city na ang siyudad.
Apat na heneral dumalo sa CPOC Meeting sa, crime rate patuloy na bumababa
Facebook Comments