Tuesday, July 21, 2026

Pinoy seafarer na nawawala sa Black Sea drone attacks, patuloy pang tinutunton

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy na hinahanap ang Pinoy seafarer na nawawala sa drone attack sa Black Sea.

Ayon kay DMW Secretary Hans Cacdac, minamadali na ng ahensya ang repatriation ng iba pang Pinoy seafarers na naapektuhan ng pag-atake.

Una nang kinumpirma ng DMW na 9 na barko na may sakay na 139 Filipino seafarers ang tinamaan ng drones attacks habang patungo ng ports sa Ukraine at Russia.

Sa naturang mga pag-atake, 2 Pinoy crew ang nasawi habang 12 indibidwal ang nasugatan.

Nabatid na ang mga tinamaan ng drone strikes ay mga product tankers na may kargang langis at iba pa.

Facebook Comments