Monday, July 27, 2026

PNP Chief Nartatez, pinabulaanan ang pahayag ni Bayan Secretary General Renato Reyes na overkill ang deployment ng pulisya para sa SONA

Pinabulaanan ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang naging pahayag ni Bayan Secretary General Renato Reyes na overkill ang deployment ng pulisya para sa SONA ngayong araw.

Ayon kay Nartatez, kukunti pa nga lang kung tutuusin ang mga dineploy na tauhan.
Aniya, hindi matatawag na overkill ang pagtitiyak ng seguridad, kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Nabatid na nasa higit 200 libong PNP personnel ang kabuuang lakas ng PNP at nasa higit 20 libong personnel lang ang idineploy para sa SONA 2026.

Facebook Comments