Saturday, July 25, 2026

Mga ipinasubpoenang dokumento ng Senate Impeachment Court, inaasahang maisusumite sa July 30

Inaasahang maisusumite na sa Senate Impeachment Court sa July 30 ang mga ipina-subpoenang dokumento, gaya ng bank records, Bureau of Internal Revenue (BIR) records, at iba pa para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito umano ay gagamitin para ikumpara ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN at mga ulat ng Anti-Money Laundering Council o AMLC at para malaman kung may tinatago nga ba umanong yaman ang bise presidente, ayon kay Rep. Terry Ridon.

Sa kabilang banda, inaasahan naman umano ni Ridon na mababanggit ng pangulo sa State of the Nation Address (SONA) ang tungkol sa estado ng upper middle income ng ekonomiya, at mga programang makakatulong sa mga ordinaryong pilipino.

Kabilang din umano sa kaniyang mga inaasahan ay ang magiging plano ng pangulo para sa edukasyon, kalusugan, at sa mahihirap na Pilipino sa huling dalawang taon sa pwesto ng pangulo.

Facebook Comments