Apat na wanted persons ang naaresto ng San Carlos City Police Station (CPS) sa magkakahiwalay na operasyon sa Brgy. Bugallon-Posadas, San Carlos City, Pangasinan noong Hulyo 1, 2026.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang mga pag-aresto sa bisa ng magkakahiwalay na bench warrant at warrant of arrest kaugnay ng mga kasong Simple Disobedience, Concubinage, Slight Physical Injuries, aatCyberlibel.
Unang naaresto ang isang 60-anyos na lalaki, dahil sa kasong Simple Disobedience (CC No. 10304) sa bisa ng bench warrant of arrest na may inirekomendang piyansa na ₱3,000.00.
Sunod na dinakip ang isang 43-anyos na construction worker, na may kinakaharap na kasong Concubinage sa ilalim ng Article 334 ng Revised Penal Code, na may inirekomendang piyansa na ₱24,000.00.
Arestado rin ang isang 49-anyos na magsasaka dahil sa kasong Slight Physical Injuries (CC No. 10256) sa bisa ng warrant of arrest na may piyansang ₱3,000.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Carlos City Police Station ang apat na akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago iharap sa kinauukulang hukuman. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








