Monday, June 29, 2026

US Embassy, tiwala sa kakayanan ni bagong U.S Ambassador to the Philippines Lee Lipton

Tiwala ang Embahada ng Estados Unidos sa Maynila sa kakayanan ni bagong U.S Ambassador to the Philippines Lee Lipton.

Ayon sa U.S Embassy, kumpiyansa sila sa pamumuno ni Lipton ngayong ipinagdiriwang ang 80 taon ng diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang kakayanan anila ni Lipton na hinubog ng dekada ng pamumuno ay nagpapakita na kwalipikado siya para maging bagong U.S Ambassador to the Philippines.

Nitong Mayo nang kumpirmahin si Lipton sa bagong posisyon kung saan bago niyan ay nagsilbi siyang Chief of Staff sa U.S. Mission to the Organization of American States.

Facebook Comments