
Sinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang konstruksyon ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) Legacy Building sa Quezon City ngayong Biyernes.
Ayon sa Pangulo, ang NKTI Legacy Building ang magiging pinakamalaking kidney center sa buong Southeast Asia, na inaasahang magpapalawak ng access sa dekalidad na dialysis at iba pang serbisyong pangkalusugan para sa mas maraming Pilipino.
Ang 13-palapag na pasilidad ay magkakaroon ng 200 advanced dialysis machines para sa mga pasyenteng may komplikadong kondisyon at nangangailangan ng agarang pangangalaga.
Target na makumpleto ang konstruksyon nito sa 2028.
Samantala, ininspeksyon din ng Pangulo ang bagong rehabilitate na Araneta Drainage System sa Quezon City.
Inaasahang masosulusyunan ng flood control na ito ang madalas na pagbaha sa lugar.










