MABILIS NA TUGON NG VILLASIS MPS, NAGLIGTAS SA INA AT SANGGOL

Nagpakita ng kahandaan at malasakit ang mga pulis ng Villasis Municipal Police Station matapos tumugon sa isang buntis na biglaang nanganak habang sakay ng tricycle patungo sa ospital.

Pagdating nila sa pinangyarihan, agad nila itong binigyan ng kinakailangang tulong upang maging maayos ang panganganak.

Dahil sa kanilang mabilis at propesyonal na aksyon, ligtas na naipanganak ng ina ang isang malusog na sanggol sa gitna ng agarang pangangailangan.

Matapos ang pangyayari, agad na isinakay ang mag-ina sa ambulansya ng munisipyo at dinala sa pinakamalapit na pagamutan para sa tamang pagsusuri at pangangalaga.

Ito ay patunay ng dedikasyon ng kapulisan sa pagbibigay ng mabilis, maaasahan at makataong serbisyo sa bawat mamamayan.

Isinasabuhay nila ang tunay na diwa ng paglilingkod—na ang katapatan at malasakit ay higit pa sa anumang halaga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments