Sugatan ang isang 43-anyos na lalaki matapos siyang umano’y habulin at paulit-ulit na saksakin ng isang 39-anyos na construction worker sa harap mismo ng kanyang tahanan noong Hunyo 29, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon ng San Fabian Municipal Police Station, dumating umano ang suspek sa bahay ng biktima at naghanap ng gulo bago bumunot ng patalim.
Sinubukan pang tumakas ng biktima, ngunit hinabol siya ng suspek at ilang ulit na sinaksak, na nagdulot ng sugat sa kanyang kanang braso.
Agad na isinugod sa ospital ang biktma ng pamilya nito at ngayo’y nasa matatag nang kondisyon.
Samantala, naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek habang patuloy na pinaghahanap ang patalim na umano’y ginamit sa pananaksak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








