MGA BAGONG HAKBANG PARA SA MAS MABILIS NA PAGTUGON SA KALAMIDAD, INILUNSAD SA ILOCOS REGION

*MGA BAGONG HAKBANG PARA SA MAS MABILIS NA PAGTUGON SA KALAMIDAD, INILUNSAD SA ILOCOS REGION *

Tinalakay ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council I (RDRRMC I) at Office of Civil Defense Region I (OCD-I) ang mga bagong polisiya at pamantayan sa disaster response, search and rescue operations, at pamamahala sa mga biktima ng sakuna sa Ilocos Region noong Hulyo 1, 2026.

Sa kick-off program na ginanap sa Bauang, La Union, nagtipon ang mga kinatawan ng mga pambansang ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, emergency response clusters, at iba pang pangunahing stakeholder.

Isa sa mga tampok na tinalakay ang pagpapatupad ng NDRRMC Memorandum No. 112, s. 2026, na nagtatakda ng standard classification at minimum standards para sa Philippine Urban Search and Rescue (USAR) at Water Search and Rescue (WASAR) teams para sa rescue operations sa panahon ng sakuna.

Inilahad din ang bagong Guidelines on the Management of the Dead and Missing para naman sa sistematikong pamamahala sa casualties at missing persons.

Bukod dito, pinasadahan din ang Ligtas Pinoy Center, wastong paggamit ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund, pagpapabilis ng Relief Augmentation Process sa disaster response operations, pag-upgrade ng DRRMC Situation Reporting System, at ang enhanced guidelines at toolkits para sa Gawad KALASAG 2026.

Ayon sa RDRRMC, ang mga inisyatibong ito ay target mapabilis ang pagtugon sa mga sakuna habang sinasanay ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan at response teams sa buong Ilocos Region. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments