Tuesday, June 30, 2026

Daan-daang indibidwal, nagsasagawa ng programa sa Liwasang Bonifacio

Muling nagsagawa ng programa sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang nasa daan-daang indibidwal.

Kasabay ito ng isinasagawang kilos protesta ng grupo ng Iglesia ni Cristo (INC) sa bahagi ng EDSA People Power Monument sa Quezon City.

Pinangunahan ni Batangas Rep. Leandro Leviste ang programa sa Liwasan kung saan binigyang-diin nito na nagkakaroon umano ng “selective justice” ang administrasyon sa mga ipinakukulong na personalidad.

Nagpahayag din sila ng suporta kay Sen. Rodante Marcoleta na nakatakdang sampahan ng reklamong plunder sa Sandiganbayan.

Samantala, nananatili namang mahigpit ang seguridad sa Liwasan at nakabantay ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) bukod sa mga naka-deploy na pulis.

Sinabi naman ni Manila Police District Spokesperson Police Major Philipp Ines na hindi nila pipigilan ang mga pagtitipon sa Liwasan dahil isa ito sa mga freedom park sa lungsod na hindi na nangangailangan pa ng permit.

Facebook Comments