Vote-buying, asahang magiging talamak ngayong papalapit na ang eleksyon — PPCRV

120

Inaasahang mas magiging laganap ang bilihan ng boto o vote–buying ngayong nalalapit na Eleksyon 2022.

Ayon kay National Trustee at Director ng Command Center Operations ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Dr. Arwin Serrano, hindi na kayang dayain ng mga kandidato ang automated na sistema ng eleksyon kung kaya’t ginagamit nito ang tradisyunal na pandaraya na pagbili ng boto.

Aniya, lantaran na rin ang bilihan ng boto sa pamamagitan ng pagkain, pera, at personal na pangako ng mga kandidato sa botante.


Kabilang din dito ang pangakong magbibigay ng trabaho, pagpapautang ng malaking pera, at iba pang personal na pabor kapalit ng boto.

Facebook Comments