Araneta Center Bus Terminal, nakahanda na sa pagdagsa ng mga pasahero

Nakahanda na ang Araneta Center Bus Terminal sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Sa pagtaya ng pamunuan ng Araneta Center Bus Terminal, nasa walo hanggang siyam na libong pasahero ang magtutungo sa terminal simula sa Biyernes, April 12 hanggang Miyerkules Santos o April 17.

Sa ngayon, marami na raw ang nagpapa-reserved ng ticket para sa mga biyahe patungong Visayas at Bicol.


Nananatili namang normal ang sitwasyon sa mga provincial bus terminal sa Pasay City.

Ayon sa management ng Five Star Bus, sa Biyernes o April 12 pa nila inaasahang magsisimulang dumagsa ang mga pasahero.

Nagpaalala naman ang Philtranco na mas mabuting maaga pa lang ay magpa-book na ng ticket.

Facebook Comments