Tuesday, June 9, 2026

Face-to-face classes sa Davao City, suspendido; ilang kawani ng gobyerno, naka work-from-home arrangement

COURTESY: PIA Davao Region

Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at probadong paaralan sa lungsod ng Davao ngayong Martes, June 9, ayon sa DepEd Davao City.

Ito ay matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang Sarangani kahapon ng umaga, June 8 na naka-apekto sa ibang bahagi ng Mindanao.

Samantala, work-from-home arrangemnet naman ang trabaho ng mga kawani ng gobyerno sa nasabing lungsod, maliban sa mga tanggapan na nagbibigay ng kritikal na serbisyo, gaya ng disaster and emergency response, safety and security, health, sanitation, traffic management at social services.

Layon ng suspensyon na siguruhin munang ligtas at sumailalim sa inspeksyon ang lahat ng pasilidad sa lungsod, at para maiwasan ang karagdagang pinsala sakaling magkaroon ng aftershocks.

Facebook Comments