Thursday, June 11, 2026

Basketbolistang si Baterbonia, produkto ng 4Ps- DSWD

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpanaw ng basketbolistang si Rene Batebornia.

Ayon sa DSWD, benepisyaryo at monitored child ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) si Baterbonia.

Matagumpay anila na nakaalis sa programa ang pamilya ni Batebornia dahil sa pagbuti ng kalagayan at pag-angat ng antas ng pamumuhay ng kanilang pamilya.

Magsisilbi anilang inspirasyon ang buhay ni Batebornia sa marami lalo ang kaniyang dedikasyon sa pag-aaral, disiplina at pagsisikap na matupad ang kaniyang pangarap.

Kaisa anila ang DSWD sa paghingi ng lakas, kapanatagan at katatagan para sa mga naulila ni Batebornia.

Facebook Comments