
Kasalukuyan nag umiiral ang El Niño sa tropical pacific matapos na umabot ang relative sea surface temperature anomaly sa positive 0.5 degrees celcius threshold
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may higit 80% na tsansang lalo pang lumakas ang El Niño na posibleng tumagal ng hanggang sa unang mga buwan ng 2027.
Ang El Niño ay ang pagbaba ng dami ng ulan sa maraming bahagi ng bansa na maaring magdulot ng dry spell at tagtuyot.
Maari pa namang makaranas ng madalas at mas malakas na pag ulan ang kanlurang bahagi ng Pilipinas sa panahon ng Habagat.
Patuloy ang mahigpit na pagmo-monitor ng PAGASA sa El Niño at sa epekto nito sa bansa.
Pinapayuhan ng weather bureau ang publiko at ang mga ahensya ng pamahalaan na maging handa sa potensyal na idudulot ng El Niño.










