Thursday, June 11, 2026

PhilHealth at isang healthcare provider, nagkasundong palakasin ang Universal Health Care sa bansa

Nagkasundo ang PhilHealth at ang Healthway Medical Network (HMN), isang major healthcare provider sa pagpapalakas sa Universal Health Care (UHC) sa bansa.

Ayon kay Paolo Borromeo, President and CEO of AC Health (Ayala Healthcare Holdings Inc.), sa pamamagitan ng naturang partnership, mas mapapadali sa mga pasyente ang pagkamit sa PhilHealth benefits at ang pag-avail ng mga murang gamot.

Tiniyak naman ni PhilHealth President and CEO Dr. Edwin Mercado na tinutugunan na nila ang mga problema sa ilang YAKAP clinics lalo na’t patuloy na nadagdagan ang bilang ng mga klinika.

Ayon naman kay Dr. Valerie Gilbert Ulep, senior research fellow sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), dapat pang palawakin ng PhilHealth ang kanilang mga programa bagama’t malaki na ang naging development nito sa pagtulong sa mas maraming mga pasyenteng Pilipino.

Tiniyak naman ng PhilHealth ang puspusan nilang pagpapatupad ng enhanced benefits para sa mga Pilipino.

Facebook Comments