
Inaresto ng mga awtoridad ang isang 73-anyos na lalaki sa Barangay San Roque, San Nicolas, Pangasinan noong Abril 25, 2026 kaugnay ng kasong panggagahasa.
Pinangunahan ng mga operatiba ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), katuwang ang mga tauhan ng San Nicolas Police Station, ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Ang nasabing indibidwal ay nahaharap sa limang bilang ng paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997.
Ayon sa ulat, may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱120,000 para sa bawat bilang ng kaso.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at sasailalim sa kaukulang proseso ng batas. Patuloy namang pinaiigting ng mga awtoridad ang kanilang operasyon upang matiyak ang kaligtasan at kapanatagan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










