Army at NPA nagkasagupa sa North Cotabato, mga armas at pampasabog nasamsam

(Update) Muling nagkasagupa ang tropa ng militar at New Peoples Army sa bayan ng Magpet sa lalawigan ng North Cotabato kahapon ng hapon. Ayon sa tagapagaalita ng 39th Infantry Battalion Phil Army na si Capt. Silver Belvis nagpapatrolya ang kanilang tropa ng silay makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensiya ng mga armadong grupo sa Sitio Kimampang, barangay Balete sa nasabing bayan at sa kanilang pagresponde ay dito nila nakasagupa ang grupo ng Pulang Bagani Command 2 na pinamumunuan ng isang Lando Ronald Sagkaaan. Tumagal ang labanan ng 40 minuto kung saan ay tumawag pa ng closed air support ang kasundaluhan sa pamamagitan ng MG520 helicopter.
Narekober sa lugar ang samot saring armas, mga bala, pampasabog na kinabibilangan ng 15 kilo ng Improvised Explosive Device o IED, improvised hand grenade, detonating cord, 4 na bagpack na naglalaman ng mga dokumento at kalahating sako ng supply ng NPA.
Wala namang casualty sa panig ng mga sundalo.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments