Umabot sa 634 na bagong voter applicants sa bayan ng Asingan ang sasailalim sa fingerprint verification ng Commission on Elections (COMELEC) bago maisama sa pinal na listahan ng mga rehistradong botante.
Ayon sa COMELEC, kabilang sa bilang ang mga nagparehistro at nagpa-transfer ng kanilang voter registration mula Abril 1 hanggang Mayo 18.
Maaari pa umanong mabawasan ang bilang matapos ang national verification upang matukoy kung may doble o multiple registration.
Sinabi rin ng COMELEC na bahagi ng regular na proseso ang fingerprint verification para sa kaayusan ng voters’ list bago ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2026.
Giit ng COMELEC na magpapatuloy ang paghahanda ng tanggapan para sa halalan sa kabila ng mga usap-usapan tungkol sa posibleng pagpapaliban nito.
Kasunod ng Election Registration Board hearing, isasagawa naman ang pagbuo ng mga presintong gagamitin sa araw ng botohan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








