Artist’s sketch ng person of interest sa pagpapasabog ng bus sa Parang, Maguindanao, inilabas na ng PNP-BARMM

Inilabas na ng  sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang artist’s sketch ng person of interest sa nangyaring pagsabog sa isang bus sa Parang, Maguindanao noong Linggo.

Mula ito sa testimonya ng mga pasahero ng bus na tugma naman sa larawang nakuha ng mga otoridad mula sa CCTV footage sa loob ng bus.

Base sa CCTV footage, nakasuot ng bull cap at naka-jacket ang suspek na nagmamadaling bumaba ng bus bago ito sumabog.


Una nang sinabi ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na kumpetisyon sa negosyo sa pagitan ng Rural Transit Bus at iba pang transportation company sa lugar ang posibleng motibo ng pagpapasabog.

Nabatid na bagama’t matagal nang nag-ooperate sa South Cotabato ang Rural Transit Bus ay kamakailan lamang nang magkaroon ito ng biyahe papuntang Maguindanao.

Facebook Comments