ASG member, sumurender sa militar

80

Sumuko sa tropa ng militar ang isang Abu Sayyaf Group (ASG) member sa Basilan.

Kinilala ni Brig. Gen. Domingo Gobway, Commander of Joint Task Force Basilan ang surrenderee na si alyas Totoh Akalun, myembro ng ASG sa ilalim ng Pasil Bayali.

Nabatid na sumuko si Alyas Totoh sa 64th Infantry Battalion na nakabase sa Barangay Tumahubong, Sumisip, Basilan kung saan isinurender din nito ang kanyang 12-gauge Shotgun.


Ayon pa kay Gen. Gobway ang tagumpay na ito ay bunga narin ng pagtutulungan ng militar, pulis at ng lokal na pamahalaan ng Sumisip town.

Samantala, sinabi naman ni Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western Mindanao Command ang pagbabalik loob ni Akalun ay nangangahulugan na hindi lamang naipapanalo ng pamahalaan ang puso at tiwala ng publiko kungdi maging ng mga kalaban o ng mga rebelde.

Facebook Comments