Tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng lindol sa Northern Luzon, patuloy na bumubuhos

51

Umaabot na sa mahigit ₱119-M ang tulong na naipagkaloob sa mga residenteng naapektuhan ng malakas na lindol sa Northern Luzon.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), higit ₱50M dito ay family food packs.

Mayroon ding ibinigay na family tent, modular tent, kitchen, family, sleeping at hygiene kits.


Samantala, nasa ₱610,000 namang tulong ang naibigay sa mga nawasak nang tuluyan ang mga tahanan habang umaabot sa ₱19M ang tulong na naipagkaloob sa mga kababayan nating partially damaged ang tahanan.

Nasa ₱1.4M ding tulong pinansyal ang naibigay sa mga sugatan habang ₱140,000 ang ipinagkaloob sa mga may nasawing kamag-anak.

Ang nasabing tulong ay ibinigay sa mga apektado ng lindol sa Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR).



Sa ngayon, tumaas pa sa 136,612 pamilya o 502,462 indibidwal ang kabuuang naapektuhan ng lindol mula sa Region 1, 2 at CAR.

Facebook Comments