
Sumailalim sa reintegration at reorientation ang 902 Fire Safety Inspectors na sinibak sa pwesto dahil sa umano’y katiwalian sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Tinukoy na napatalsik ang mga inspektor sa pwesto dahil sa umano’y katiwalian matapos na pilitin ang ilang business owner na bumili ng fire extinguisher sa kakilala nilang supplier.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni BFP OIC Chief Supt. Wilberto Kwan Tiu na kasabay din sa mga sumailalim sa training ang mga ipinalit sa mga sinibak.
Apatnapung oras ng reorientation at fire safety inspection training ang isinagawa kasama ang tungkol sa integrity at ethical standards.
Dahil marami ang nasibak, aminado si Tiu na kulang ang mga fire safety inspectors kaya naman nakipagugnayan na siya sa ilang paaralan at nagalok ng kurso ukol sa fire safety inspection.










