August 9, hindi holiday ayon sa Malacañang

156

Walang deklarasyon ang Malacañang na mayroong holiday kaugnay ng pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Payo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa publiko na huwag maniwala sa mga kumakalat na post sa Facebook at sa iba pang social media platform na idinedeklarang special non-working holiday ang August 9, 2022.

Ayon kay Angeles, hindi ito totoo at walang inilalabas na anunsyo o proklamasyon kaugnay dito.


Payo pa nito, dapat maging mapanuri sa mga nababasa at nakikita na social media.

Matatandaang, inanunsyo ng Palasyo na bibigyan ng state funeral ng Malacañang si dating Pangulong Ramos sa Martes, August 9.

Kaninang umaga, dumalaw na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa burol ng dating presidente sa Heritage Park, Taguig.



Facebook Comments