
Business rivalry o away sa negosyo, ito ang nakikitang motibo ng Philippine National Police (PNP) sa nangyaring shooting incident na ikinasawi ng isang negosyante at driver nito sa Timog Ave. Quezon City, kamakailan.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, dahil ang negosyanteng si Perry Mariano ang target sa nasabing krimen, posible umanong may naka-kumpetensya ito.
Nabatid na maliban sa pagiging billard icon, si Mariano ay nag-mamay-ari rin ng mga bars at mayroong hawak na mga Small Town Lottery.
Samantala nananatili pa ring dalawa ang suspek sa nasabing krimen.
Ayon pa kay Tuaño na maganda ang takbo ng imbestigasyon ng Special Investigation Task Group kaya nasa follow up operations na ang pulisya.
Kaugnay nito, patuloy namang nakakatanggap ang pulisya ng mga tawag mula sa mga indibidwal na may impormasyon na inaasahang makakatulong para sa pagresolba sa nasabing krimen.










