Friday, May 1, 2026

LOLO, ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA DAGUPAN CITY

Timbog ang isang 70 anyos na lolo na nahaharap sa kasong panggagahasa matapos arestuhin sa isinagawang joint police operation ng Dagupan City Police Office.

Pinangunahan ang operasyon sa kung saan nagsanib-puwersa ang mga operatiba ng Police Station 3, City Investigation and Detective Management Unit (CIDMU), at City Intelligence Unit (CIU).

Ang suspek, na residente ng Barangay Poblacion East, ay inaresto batay sa inilabas na warrant of arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A (1) kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code. Ayon sa korte, hindi siya maaaring makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng DCPO ang akusado para sa dokumentasyon at iba pang kaukulang proseso bago ito iharap sa hukuman na naglabas ng warrant. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments