
Magbibigay ng libreng sakay bukas ang QC-LGU para sa mga kapatid nating Muslim na magsasagawa ng aktibidad sa QC Memorial Circle kaugnay ng selebrasyon ng Eidl Adha.
Libo-libong mamamayang Muslims ang magtitipon tipon sa Quezon Memorial Circle (QMC) para sa kanilang congregational prayer .
Ang naturang morning prayer ay magkatuwang na inoorganisa ng LGU at ng QC Bangsamoro Affairs
Sa QCJI forum, sinabi Dexter Cardenas, head ng Traffic and Transport and Management Department, pinaghandaan na nila ang posibilidad na kakaunti ang bibiyaheng public transport dahil idineklarang Holiday ang May 27.
Magpapakalat din ang LGU ng sapat na security at traffic personnel upang magpanatili ng kalagayang panseguridad at kaayusan habang isinasagawa ang sama-samang pagdarasal sa QC Memorial Circle.










